Mga magtutungo sa ibang lungsod sa Metro Manila na may emergency, hindi haharangin sa checkpoints

Nilinaw ng Philippine National Police na hindi haharangin ang mga indibidwal na magtutungo sa ibang lungsod sa Metro Manila na may health at medical reasons sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang mga ito kasi ay itinuturing pa rin bilang Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Inihalimbawa rito ni Eleazar ang mga indibidwal na may appointment sa doktor, manganganak ang asawa o mga kailangang umuwi dahil namatayan ng kamag-anak.


Dahil diyan, inabisuhan na aniya ang mga tauhan ng pnp na nagbabantay sa quarantine control points na padaanin ang mga indibidwal na may mga ganitong emergency.

Facebook Comments