Mga magulang at gurong nakiisa sa Brigada Eskuwela, sinurpresa ng RMN Pagadian

Zamboanga Del Sur, Philippines – Habang abala ang mga magulang, guro at estudyante sa kani-kanilang mga gawain kasabay sa nagpapatuloy na Brigada Eskuwela 2017 ng Department of Education, sinurpresa naman sila ng mga kawani ng RMN Pagadian na sumugod sa San Isidro Elementary School na sakop ng Labangan, Zamboanga Del Sur na may dalang arroz caldo at iba’t ibang uri ng aklat.

Mahigit sa limang daang katao na sumali sa Brigada Eskwela sa nasabing paa-aralan ang masayang kumain kasama rin ang mga sundalo na tumulong sa iba’t ibang gawain.

Nagalak naman si Filisidad Limos, ang school principal sa kanilang natanggap na mga bagong mga aklat na magagamit umano sa parating na pasukan.


Kaisa ng RMN Pagadian sa nasabing public service ang 1st field artillery battalion ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur.
DZXL558

Facebook Comments