Pinayuhan ng isang medical expert ang mga magulang na iwasang magbahay-bahay kasama ang kanilang mga anak para mamasko.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Cynthia Cuayo-Juico, Medical Quality Assurance Head ng Manila Doctors Hospital, mahina pa ang immune system ng mga bata lalo’t karamihan sa mga ito ay hindi pa bakunado.
Imbes aniya na magtungo sa mga ninong at ninang, ipinayo ng doktor na ipadala na lamang ang regalo sa tahanan nila mismo upang maging ligtas ang mga bata.
Nitong Oktubre, nagsimula ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Habang ngayong linggo, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Pfizer vaccine para sa mga edad lima hanggang labing-isa.
Facebook Comments