Sumugod sa Department of Justice (DOJ) ang halos 100 magulang ng mga batang namatay sa Dengvaxia vaccine para hingiin ang pag-inhibit ni DOJ Undersecretary Jesse Andres sa kaso.
Kasama ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), hiniling nila kay Justice Sec. Crispin Remulla na alisin kay Usec. Andres ang paghawak sa kaso dahil sa pagiging bias nito.
Si Usec. Andres ang tumayong abogado noon ni dating Health Secretary Janette Garin sa imbestigasyon ng Senado sa Dengvaxia scam.
Bilang undersecretary ng DOJ, napunta kay Andres ang paghawak sa kaso ng mga batang namatay sa anti-dengue vaccine.
Ayon sa mga magulang, hindi na nila inaasahang magiging patas si Andres sa pagdinig sa kasong kinasasangkutan ni Garin.
Facebook Comments