Mga magulang ng mga kabataan na na-recruit ng NPA at militanteng grupo, nagkasagutan sa Liwasang Bonifacio

Bahagyang nagkagulo ang ilang mga magulang at mga miyembro ng militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Nais kasi ng isa sa mga magulang na miyembro ng “Yakapin ng magulang Philippines” na makuha ang kaniyang anak na babae na si Aj Lucena.

Kwento ni Ginang Relissa Lucena, ni-recruit daw ang kaniyang anak na babae mula sa isang unibetsidad sa lungsod ng Maynila apat na taon na ang nakakalipas.


Aniya, nabawi niya ang kaniyang anak noong April 2021 pero muli daw itong kinuha ng militanteng grupo.

Giit pa ng Ginang, nakita niya ang kaniyang anak sa Liwasang Bonifacio pero bigla daw itong nawala.

Nais lamang ni Ginang Relissa na mabawi ang 19-anyos na anak na mayroong psychological condition.

Paliwanag naman ng militanteng grupo, wala ang kaniyang anak at hindi nila ito kasama kung saan umaalma sila dahil ang nasabing grupo ng mga magulang ay kasama sa mga umano’y nagre-red tag sa kanila bilang miyembro ng teroristang grupong NPA.

Facebook Comments