Mga magulang ni Horacio Castillo III, pinayuhan ni Justice Secretary Aguirre na kumuha na ng abogado

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Justice secretary Vitaliano Aguirre ang pamilya ni hazing victim Horacio Castillo III na kumuha na ng abogado.

Ito ay para sa pagsusulong ng kaso laban sa mga responsable sa pagkamatay ni Atio.

Tiniyak din ni Aguirre na hindi makakasagabal sa paghahanap ng hustisya ng pamilya Castillo ang pagpapalaya sa isa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si John Paul Solano.


Wala rin aniyang dapat ipag-alala ang pamilya Castillo sa paglaya ni Solano.

Sa October 4 at 9 itinakda ang pagdinig ng Department of Justice sa nasabing kaso.

Facebook Comments