Mga magulang ni Mary Jane Veloso, umapela kay Pangulong Marcos Jr., ng clemency para sa anak

Umapela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magulang ni Mary Jane Veloso na hilingin kay Indonesian President Joko Widodo ang executive clemency para sa kanilang anak na nasa death row.

Nakaloob ito sa sulat ng mag-asawang Cesar at Celia Veloso na personal nilang inabot sa Department of Migrant Workers (DMW).

Binigyang-diin ng mag-asawang Veloso na napilitan lamang lumabas ng bansa ang anak na si Mary Jane dahil sa kahirapan.


Biktima lang din ito ng human trafficking na tinaniman ng ilegal na droga sa dala nitong maleta noong 2010.

Matatadnaang nahatulan si Mary Jane ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Bagamat hindi ang DMW ang lead agency ng gobyerno para makatulong sa kaso ni Veloso, sinabi ng tagapagsalita ng ahensiya na handa silang tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Facebook Comments