Vice Ganda, tinawag na “fake news” ang umano’y isyung nagkaroon sila ng iringan ng aktres na si Marian Rivera

Tinawag ni unkabogable at phenomenal box-office superstar Vice Ganda na “fake news” ang umano’y isyung nagkaroon sila ng iringan ng aktres na si Marian Rivera at ngayon ay nagkaayos na sila.

Ito ay matapos ireport sa isang morning program na kung saan binasa ng host na si Gretchen Ho ang headline na “natuldukan na ang umano’y isyung iringan nila Marian at Vice matapos spotted silang sweet na sweet sa isang party”.

Sa Twitter post ni Vice, sinabi nito na “Pauso! Yuck! Super yuck at Mema ang naturang balita”.


Kasunod nito, humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng produksyon ng programa hinggil sa maling ulat.

Humingi rin ng paumanhin si Gretchen at sinabi nito na gagawa ng mga inisyatibo ang pamunuan ng programa upang hindi na maulit ang maling pagbabalita.

Ikinagalak naman ni Vice ang sinabi ni Gretchen at nagpasalamat pa siya rito.

Facebook Comments