Mga magulang, pinasasailalim muna sa briefing bago bigyan ng consent form tungkol sa pagpapabakuna sa mga anak

Manila, Philippines – Hinimok ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon ang Department of Education at Department of Health na bigyan ng briefing sa bakuna ang mga magulang bago bigyan ang mga ito ng consent forms para sa ibinibigay na bakuna sa mga anak sa kindergarten hanggang senior high school.

Giit ni Abayon, mahalagang mabigyan muna ng impormasyon ang mga magulang tungkol sa bakuna upang makatulong sa pagdedesisyon kung papayagan na pabakunahan o hindi ang mga anak.

Sa ganitong ding paraan ay magkakaroon ng kaalaman ang mga magulang tungkol sa bakuna at sa magiging epekto nito sa estudyante.


Maaari aniyang magpatawag ng general assembly sa mga paaralan para ibigay ang detalye sa bakuna at ma-i-justify kung bakit kailangan na mabakunahan ang mga estudyante.

Maituturing aniyang ‘disservice’ para sa karapatan ng mga magulang kung hindi ito gagawin ng gobyerno.

Facebook Comments