Nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) na kinakailangan na personal na maghain ng withdrawal ang isang kakandidato.
Ito’y kasunod ng pag-anunsiyo ni Sen. Christopher “Bong” Go na aatras na ito sa pagkandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2022 national election.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kailangang personal na magtungo sa kanilang tanggapan si Sen. Go upang maghain ng kaniyang withdrawal ng Certificate of Candidancy (COC).
Bagama’t sarado ang COMELEC Law Department ngayong araw dahil sa pagdiriwang ng ika-158 na pagsilang ni Gat Andres Bonifacio, maaring mag-file si Sen. Go bukas, anumang oras nito gusto.
Pero paliwanag ni Jimenez, hindi na maaaring magkaroon ng substitition ang senador kahit pa kapartido nito o kamag-anak dahil kusa itong magwi-withdraw ng kaniyang COC.