Mga mahihirap na coconut farmers, ipinasasama sa mabebenepisyuhan sa programa ng Coco Levy Fund

Hiniling ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isama sa mga mabebenepisyuhan sa ilalim ng mga programa ng Coco Levy Fund ang mga marginalized coconut farmers.

Umapela si Salceda sa bagong administrasyon na tiyaking mabebenepisyuhan ang mga maliliit na coconut farmers kahit hindi sila myembro ng coconut farmer associations.

Nakapaloob sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund ang ₱75-B na pondo na nabuo sa ilalim ng Republic Act No. 11524.


Umapela rin si Salceda kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isaayos din ang Coconut Farmers and Industry Development Plan na nilagdaan at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Hunyo 8.

Aniya, may ilan lamang na nakapaloob sa plano na dapat ayusin tulad ng mga marginal o small-scale farmers sa buong bansa na dapat makinabang sa programa at ang crop diversification at inter-cropping na pinakamainam na paraan para kumita at mas maging produktibo ang mga magsasaka.

Facebook Comments