CAUAYAN CITY’S PRIDE, TAMPOK SA FASHION MAGAZINE SA NEW YORK USA

28
Gumagawa ng pangalan ngayon ang tubong Brgy. Turayong Cauayan City na si Marilou Bernadette Gervacio- Skeete sa larangan ng Fashion modeling sa New York, USA.

Tampok si Skeete sa ibat-ibang fashion show sa Hollywood katulad ng North America Fashion Week, Africa Fashion week, Kahini Fashion Show New York at iba pa.

Maliban dito, nailathala din siya sa iba’t ibang fashion magazine gaya ng LUXIA sa Milan Italy, Over magazine ng Hollywood LA California at Hi Life Magazine ng Miami Florida bilang front and back cover model ng mga naturang publications.

Taong 2021, nakasali siya sa listahan ng SU o Supermodels Unlimited kung saan ay naka-display ang kanilang mga larawan sa billboard ng New York Time Square. Si Skette ang nag iisang Filipina na nakasali sa naturang billboard kasama ang ibat ibang lahi.

Sinabi niya na ang kanyang natural na gandang Filipina ang naging dahilan kung bakit siya napansin sa larangan ng modeling. Dagdag pa ni Skeete na bata palang siya ay hilig na niya ang pag momodel.

Sa katunayan, marami umanong local photographers ang kumukuha sa kanya noong siya ay nasa probinsya pa at ang mga larawang ito aniya ang kanyang ginamit upang mag audition sa America bilang isang modelo.



Sa kasalukuyan, naka-base si Skeete sa New York City upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang isang Licensed Practical Nurse at bilang isang freelance model.

Facebook Comments