Mga mahihirap na kabilang sa 4Ps, sisimulang bakunahan sa Hunyo

Target ng pamahalaan na umpisahan ang pagbabakuna sa mga mahihirap na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Hunyo.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, sila kasi ang itinuturing na “poorest of the poor”.

Pero paglilinaw ng opisyal, bibigyan din nila ng flexibility ang mga local government unit (LGU) para tukuyin kung sino-sino ang isasama nila sa A5 Priority List.


Samantala, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaayos na rin ng pamahalaan ang mga pruwebang dapat ipakita ng mga pasok sa A4 at A5, gaya ng pagiging miyembro ng Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mga kasambahay.

Facebook Comments