Nagbabala ang Philippine Pediatric Society (PPS) sa mga naninigarilyo na ihinto ang kanilang habit dahil sila ang mabilis na kapitan o bulnerable sa COVID-19.
Ayon kay PPS Tobacco Control Advocacy Group Chairperson Dr. Rizalina Racquel Gonzales, pinalalala ng pagyoyosi ang sitwasyon ng mga COVID-19 patients at maaaring mauwi sa kamatayan.
Bukod dito, madadamay rin ang mga taong ma-e-expose sa second hand smoke.
Ang epekto ng COVID-19 ay mas malala sa mga taong gumagamit ng sigarilyo na maaring mauwi sa pagkabaldado, nag-iiwan ng pinsala sa bawat organ sa katawan kabilang ang mga baga.
Bukod dito, ang paggamit din ng vapes ay maaari ding magdulot ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, na maaaring maipasa sa pamamagitan ng aerosolization.
Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang paninigarilyo at gumamit ng vape products.