Mga mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor at kontra sa pananatili sa kulungan ni Senator De Lima, pinangalanan

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Korte Suprema ang resulta ng botohan ng mga mahistrado na nagbabasura sa petisyon ni Senator Leila De Lima kaugnay ng kinakaharap nitong kaso sa Muntinlupa RTC na may kaugnayan sa drug trade sa New Bilibid Prisons.

Sa botong 9-6, negdesisyon ang mayorya ng mga mahistrado ng SC na ibasura ang petition for certiorari and prohibition ni De Lima na humihirit ng preliminary injunction, status quo ante order at temporary restraining order para pigilan ang Muntinlupa RTC branch 204 na ipagpatuloy ang pagdinig sa isinampang kaso ng Dept of Justice.

Kabilang sa mga mahistrado na nagbasura sa petisyon ni De Lima sina:


1. Associate Justices Presbitero Velasco Jr.;
2. Teresita Leonardo-De Castro;
3. Diosdado Peralta;
4. Lucas Bersamin;
5. Mariano Del Castillo;
6. Samuel Martires;
7. Noel Tijam;
8. Andres Reyes;
9. Alexander Gesmundo.

Samantala, Ang mga pumabor naman sa petisyon ni De Lima ay sina SC Justices…

1. Chief Justice Maria Lourdes Sereno;
2. Senior Associate Justice Antonio Carpio;
3. Associate Justices Estela Perlas Bernabe;
4. Francis Jardeleza;
5. Marvic Leonen;
6. Alfredo Benjamin Caguioa.

Una nang kinuwestyon sa Korte Suprema ng kampo ni De Lima ang hurisdiksyon at mabilis na pagpapalabas ng arrest warrant ni Muntinlupa RTC Branch 204 Executive Judge Juanita Guerrero.

Facebook Comments