Mga mahistrado ng SC na kukwestyon sa death penalty, maaaring ma-impeach

Ibinabala ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na maaaring maharap sa impeachment ang mga mahistrado ng Korte Suprema na kukwestyon sa Death Penalty Bill.

 

Ayon kay Fariñas, hindi pwedeng manghimasok ang Mataas na Hukuman sa ‘wisdom’ ng panukala, lalo na sa oras na maging ganap na batas na ito.

 

Paliwanag ni Fariñas, kung pupunahin sila ng Korte Suprema na mali ang proseso ay tatanggapin nila pero kung compelling reasons lamang ang gagawin ng SC ay maaari itong maging hudyat para sampahan ng impeachment ang mga mahistrado.

 

Ani Fariñas, mistulang pangingi-alam ito sa trabaho ng mga kinatawan ng bawat distrito.

 

Paalala ng Majority Leader, ang trabaho ng Korte Suprema ay i-interpret ang batas at kapag kumpleto na ang anumang batas ay walang mapagpipilian kundi pairalin ito.

 

Inihayag ito ni Fariñas sa gitna ng kabi-kabilang banta ng mga anti-death penalty na i-aakyat sa Kataas-taasang Hukuman ang nasabing usapin.

Facebook Comments