Mga Mahuhukay sa Ilog Cagayan, Kukunin ng Dredging Company

Cauayan City, Isabela- Ipinapaubaya na sa mga dredging company ang mga materyales na mahuhukay sa ilog Cagayan dahil bawal na itong itambak sa probinsya.

Ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang itinalagang magbabantay sa mga materyales na mahuhukay.

Sakali man na may mahukay na umanong precious metal at makikita ito ng MGB ay kailangang magbayad ng excise tax ang dredging company.


Nakikiusap naman si Gob. Mamba na suportahan ang gagawing rehabilitasyon sa Cagayan river at bantayan ang nasabing proyekto dahil layunin ng Cagayan River Restoration Project na maisalba ang buong probinsiya at ang mga susunod na henerasyon sa mga iba’t ibang kalamidad na posibleng maranasan ng Cagayan.

Facebook Comments