Beauty Queen Maria Andrea Abesamis, ipinanawagang ipanlaban sa nalalapit na Miss Grand International

101
Photo Courtesy: A Y A A B E S A M I S (@ayabesamis) Instagram

Naging maugong ang panawagan sa social media ng mga netizens na si Binibining Pilipinas Grand International title holder Maria Andrea Abesamis na ang ilaban sa upcoming Miss Grand International sa Bangkok, Thailand.

Si Abesamis ang first runner up sa huling edition ng Binibining Pilipinas 2019 kung saan sa kaparehong taon ding iyon kinoronahan si Samantha Ashley Lo na lumaban naman ng Miss Grand International sa Venezuela.


Matatandaang matapos ang naging laban ni Samantha Lo sa Venezuela, nagbitiw ito at agad na ipinasa sa second runner up ang titulo bilang Binibining Pilipinas Grand International.

Sa Instagram account, makikitang sunud-sunod ang mga glam pictorial ni Abesamis kaya maraming fans ang umaasa na ang model-beauty queen na ang ipadala ng Binibining Pilipinas.

Sa darating na March 27, 2021 ipapasa ni Valentina Figuera ng Venezuela ang titulo bilang Miss Grand International.

Sa ngayon, wala pang formal announcement ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa usaping ito.




Facebook Comments