Inihayag ngayon ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP, na ibubukas sa publiko ang mga makasaysayang museo sa bansa bukas, Araw ng Kalayaan.
Inaanyayahan ng NHCP ang lahat na makilahok sa mga programang para sa Araw ng Kalayaan, na gaganapin sa mga sumusunod na museo:
Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite
Museo ng Katipunan Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City
Barasoain Church Historical Landmark
Museo ng Republika ng 1899 sa Malolos City, Bulacan
Museum of the Philippine Social History sa Angeles City.
Bukas ay ipagdiriwang ng bansa ang ika-121 Araw ng Kalayaan na may temang “Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.”
Bukod sa mga aktibidad sa mga Museo, may iba pang events na gagawin sa Rizal Park.