Kevin Durant, susi sa pagbangon ng Warriors kontra Raptors

Matapos mabigyan ng clearance ng kanyang doktor, makakapaglaro na si Golden State Warriors most valuable player Kevin Durant sa game 5 ng NBA Finals kontra Toronto Raptors.

Ito ang unang paglalaro ni Durant sa NBA Finals matapos na magka-injury noong Western Conference Finals.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, ilang araw na nagpakita si Durant ng good performance sa kanilang page-ensayo kaya sigurado siya na si Durant ang susi para mabawi ang momentum.


Bagama’t pinayagang makalaro, lilimitahan pa rin sa 25 na minuto ng paglalaro ni Durant.

Nabatid na mahalaga ang ambag ngayon ni Durant lalo na at kailangan makabawi ng Warriors kung saan lamang na ang Raptor sa 3-1 series.

Mamaya, abangan ang paghaharap ng dalawang koponan, alas-nuwebe ng umaga oras sa Pilipinas.

Facebook Comments