Mga makikinabang sa dagdag-sahod, nasa 16% lang ayon sa ECOP

Welcome sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang hirit na umento sa sahod ng ilang labor group.

Sinabi ito ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., sa panayam ng RMN Manila kasunod ng panawagang itaas ang sahod kasunod ng pagtaas ng bilihin dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay Ortiz, dumadaan sa mabusising proseso ang pag-adjust sa minimum wage kung saan pinag-uusapan nang maigi ito ng mga kinatawan ng employers, manggagawa at mga ahensya ng gobyerno.


Ngunit sinabi nito na 16% lamang ng 44 milyong pilipino na nasa labor force ang makikinabang sa hirit na dagdag sahod dahil sila ay nagtatrabaho sa formal sector.

Dagdag pa nito, posibleng madagdagan ang mawawalan ng trabaho dahil karamihan sa mga micro enterprises na kumakatawan sa 90% ng mga enterprise sa bansa ay pinipilit pa ring bumangon matapos padapain ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments