Maynilad, nagpaliwanag sa patuloy na pagpapatupad ng rotational water interruption

Nagpaliwang ang water concessionaire na Maynilad kasunod ng tuloy-tuloy na rotational water interruption sa ilang mga konsumer nito.

Sa panayam ng RMN Manila kay Maynilad AVP for Corporate Communications and Spokesperson Jenny Rufo, sinabi nito na tuwing off-peak hours lamang nila ito ipapatupad.

Ayon pa kay Rufo, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon na punuin ang kanilang mga resevoir upang makapagbigay ng sapat na water supply tuwing peak hours ng susunod na araw.


Samantala, ginagawa ng Maynilad ang karampatang paghahanda sa nalalapit na tag-init na inaasahang sisipa ang demand sa tubig.

Facebook Comments