Manila, Philippines – Tapos na ang mga maliligayang araw ng mga opisyal ng mga Government Owned and Controlled Corporation o GOCCs pati ang mga Government Financial Institution o GFI na nakatatanggap na milyon milyong bonuses at allowances.
Batay sa Executive Order number 36 na nilagdaan ni Pangulong Rodgiro Duterte ay pinatitigil na nito ang compensation and Position classification system para sa mga empleyado ng lahat ng mga GOCCs.
Sa ilalim ng nasabing EO ay pag-aaralan muna ang compensation ng mga empleyado at opisyal ng GOCCs upang matiyak na hindi sumosobra ang mga ito sa itinatakda ng batas.
Isinasaad din sa nasabing EO na kung sakop ang GOCC at GFI ng Salary Standardization Law o SSL ay kailangang sundin ito at kung hindi naman sakop ng SSL ay kailangang panatilihin ang nakukuhang compensation pero kailangan itong aprubahan ng GCG o Government commission of GOCC o hindi naman kaya ay sundin ang mga nakasaad sa Executive Order number 201 series of 2016 o ang Modified Salary Schedule.
Ito naman ay kasunod na rin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyag State of the Nation Address kung saan sinabi nito na hindi niya papayagan ang matataaas na compensation ng mga nasa GOCCs.