Mga malalaking infrastructure projects, dapat matibay laban sa mga bagyo – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng pagbuo ng mga programa na may kinalaman sa disaster-resilient infrastructure sa national level.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos mag-iwan ng malaking pinsala sa imprastraktura ang Super Typhoon Rolly lalo na sa Bicol Region.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang mga local officials ay walang kakayahang magtayo ng mga malalaking infrastructure projects.


Kailangan aniyang magpatupad ang national government ng mga ganitong porgrama na layong maibsan ng epekto ng mga kalamidad.

Binigyang diin din ni Robredo na gawing prayoridad ang paglilipat ng mga residente mula sa danger zones.

Mahalaga ring mayroong structural design na akma sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad lalo na sa disaster-prone areas.

Iminungkahi rin ni Robredo ang pagtatayo ng mga multi-level schools palapag para mas maraming evacuees ang mabibigyan ng pansamantalang matutuluyan.

Facebook Comments