Mga maliliit na bahay Malapit sa epicenter, lubos na mapipinsala ng lindol  

Mas maraming maliliit na istraktura gaya ng bahay ang mapipinsala kapag tumama ang mga lindol gaya ng 6.3 Magnitude na yumanig sa katimugan ng Mindanao.

Ayon kay Philippine Voclanology and Seismology (PHIVOLCS) Director, Usec. Renato Solidum, ang mga maliliit na bahay ay gawa sa mahinang materyal kaya mas apektado ang mga ito sa mga malalakas na lindol lalo na kung malapit ang mga ito sa epicenter.

Dagdag pa ni Solidum, ang mga lugar na apektado ng Low-Intensity Earthquakes o mababa sa 6 at 7 Magnitude ay walang inaasahang pinsalang maiiwan.


Muling nagpaalala ang PHIVOLCS na ugaliing gawin ang “Drop, Cover and Hold.”

Nilinaw ng phivolcs na inaasahang banta ng tsunami kasunod ng lindol.

Facebook Comments