Hati ang opinyon ng ilang maliliit na negosyante sa lungsod ng Makati sa isyu ng pabagu-bagong quarantine restrictions ng pamahalaan.
Ayon sa may-ari ng karinderia sa Buendia, Makati City, tanggap nila ang anumang hakbang na pinatutupad ng pamahalaan sa pag-control ng nakahahawang sakit.
Ayon naman sa isang operator ng tricycle sa Gil Puyat, Makati, wala siyang nakikitang mali sa pabagu-bagong quarantine restrictions ng gobyerno.
Sa panig naman ng may-ari ng pwesto ng ukay-ukay sa lungsod na tumangging humarap sa camera, inilabas nito ang kanyang sama ng loob sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.
Aniya, masyado nang lantaran na pinagkakakitaan ng ilang opisyal ng gobyerno ang pandemic.
Facebook Comments