PULIS NA NAMATAY SA LABANAN KONTRA NPA, ITINUTURING NA BAYANI!

1751

Nakatakdang parangalan ang tatlong pulis na nasugatan sa pakikipagsagupa sa mga NPA sa Burgos, San Guillermo, Isabela habang itinuturing namang bayani ang kasamahan nilang namatay.

Nagpaabot ng pakikiramay kasabay ng pag upo ni P/BGen. Angelito Casimiro bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 02 sa pamilya ng napatay na si Patrolman Henry Gayaman. Nagsilbing pang welcome kay General Casimiro ang nangyaring engkwentro sa bayan ng San Guillermo.


Sa ngayon ay naiuwi na ang mga labi ni Patrolman Henry Gayaman sa kanilang tahanan sa Victoria, Aglipay, Quirino. Nakalabas narin sa hospital at nakabalik na sa kanilang kampo ang dalawang sugatan habang ang isa ay nasa ligtas nang kalagayan at nagpapagaling sa isang pribadong pagamutan dito sa lungsod ng Cauayan.

Matatandaang rumesponde ang 205th Maneuver company sa sumbong ng mamayan hingil sa planong pagpupulong ng NPA sa Burgos, San Guillermo, Isabela. Dito nagpang abot ang dalawang pangkat na nagresulta sa bakbakan.

Facebook Comments

From Advertisers