Manila, Philippines – Pinatutukan na ni MPD District Director, Police Chief Superintendent Joel Coronel ang mga Stall sa area ng Quiapo at Malate Manila kasunod ng pagkaaresto sa bisa ng warrant sa paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa pinagsanib na pwersa ng District Special Operations Unit, National Intelligence Coordinating at AFP Naval Intelligence Service Group-NCR ang 42-anyos na si Rasdy Malawani alias Rasdi Macabangkit.
Si Malawani ay matagal nang isinailalim sa surveillance dahil nakumpirma na sumusuporta umano ito kay Ominta Romato Maute, alias Farhana, ng Maute-ISIS na teroristang grupo na mamamahala sa kanyang Salaam Bazaar sa Novaliches Plaza Mall, na nagbibigay suporta sa mga teroristang grupo sa Marawi City.
Si Farhana ay nakakulong ngayon sa Bicutan Jail, matapos maaresto sa Brgy. Kormatan, Masiu, Lanao Del Sur noong June 2017.
Napag-alaman sa intelligence report na si Malawani ay nagpapatakbo ng bazaar at nangongolekta ng mga renta mula sa mga stallholders at nireremet sa Marawi City.
Paliwanag ni Coronel mahalaga ang maging Pro-active ang mga pulis upang hindi malulusutan ng mga teroristang grupo.