Mga mamamayan ng China na nasa North Korea, pinalilikas na dahil sa panibagong nuclear test

North Korea – Pinalilikas na ng China ang kanilang mga mamamayan na nakatira sa North Korea.

Kasunod na rin ito ng pinakahuling nuclear test na ginawa ng Komunistang bansa at nagpapatuloy na standoff nito sa pagitan ng Estados Unidos dahil sa kanilang nuclear at missile programs.

Ito ang kauna-unahang babala na inisyu ng Chinese Embassy sa Pyonyang gayong umabot na sa “boiling point” ang tensyon sa Korean Peninsula.


Bahagi ng kautusan ng China na pagpapaalis sa kanilang mga kababayan sa Hilagang Korea dahil sa pangambang muling paghahanda ni Kim ng paglulunsad ng panibagong nuclear test at posibleng paghihiganti rito ng Amerika.

DZXL558

Facebook Comments