Mga mamamayan sa bayan ng Tukuran, nagpanic dahil sa fake news na may presensiya ng mga armadong lalaki sa lugar

Zamboanga, Philippines – Kinansela kahapon ang klase sa Militar Elementary School na sakop sa bayan ng Tukuran sa lalawigan ng Zamboanga del Sur dahil sa lumaganap na fake news.

Isang tawag ang natanggap ng Tukuran PNP, mula sa ilang residente sa barangay militar na may presensya ng armadong grupo sa lugar at nagkakaroonn umano ng engkwentro.

Agad naman itong pinabulaanan ni PO3 Mendez na walang katotohanan ang nasabing balita sa panayam ng RMN-Pagadian.


Hiling ngayon ng otoridad na maging responsable sa pagbibigay ng impormasyon upang maiwasan ang pagka-panic ng publiko.

DZXL558, *Kenneth Bustamante*

Facebook Comments