Mga mamamayan sa Qatar, pinayuhang huwag mag-panic kasunod ng pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa Middle East

Qatar – Pinayuhan ng Qatari government ang kanilang mamamayan na huwag mag-panic buying.

Kasunod ito ng pagsugod ng mga tao sa supermarkets at grocery stores dahil sa pangambang maapektuhan ng umiiral na diplomatic row ang supply ng pangunahing bilihin.

Ayon sa Qatar cabinet, ang pagpapa-panic ay resulta ng maling balita na kumalat sa social media.


Tiniyak naman ng Qatari government na ginagawa nila ang lahat para manatiling normal ang sitwasyon sa kabila ng pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa gitnang silangan.

Samantala, ayon naman sa supermarket officials maliban sa gulf states maraming iba pang bansa ang pinagkukunan nila ng supply.
DZXL558

Facebook Comments