Mga mambabatas, dapat maghinay-hinay sa pagsusulong ng Cha-Cha

Pinaghihinay-hinay ni Senator Koko Pimentel ang mga kapwa mambabatas sa pagpapaamyenda sa konstitusyon.

Sinabi ito ni Pimentel kahit na isinusulong din niya ang Charter Change o Cha-Cha para mapalitan ng federalism ang porma ng ating gobyerno upang matugunan ang ugat ng maraming problema sa pangangasiwa ng bansa.

Paliwanag ni Pimentel, maaring sindihan muli ang usapang Cha-Cha, pero dapat puspusan itong pag-aralan at huwag madaliin.


Pahayag ito ni Pimentel, kasunod ng resolusyong inihain sa Kamara na layuning magtipon ang Senado at Kamara bilang constituent assembly para amyendahan ang ating konstitusyon.

Sa Cha-Cha na isinusulong sa Kamara ay target na gawing limang taon ang panunungkulan ng President, Vice President at local officials, maliban sa barangay officials at pwede silang kumandidato ulit para sa ikalawang termino.

Facebook Comments