Mga mambabatas, mag-uusap hinggil sa planong bawasan ang taripa sa bigas

Mag-uusap muli ang mga mambabatas patungkol sa planong bawasan ang taripa sa rice importation.

Ayon kay Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar, bago para sa kanila ang planong ito dahil nakapagusap na sila ng mga kongresista ng Kamara hinggil sa pagamyenda ng Rice Tariffication Law (RTL).

Sinabi ni Villar na nagkasundo silang mga mambabatas na ibibigay na sa Department of Agriculture (DA) ang special power sa pagaangkat at pagbenta ng bigas at hindi na sa National Food Authority (NFA) at hindi kasama rito ang pagbabawas ng tariff rates sa bigas.


Kung ibababa aniya ang rice tariff ay mababawasan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na pantulong sa mga magsasaka.

Maliban dito ay nakausap na rin ng Kongreso ang Office of the President (OP) at napagkaisahan na sa Agosto ay ipapasa ang amyenda sa RTL.

Pero dahil sa planong babaan ang taripa sa bigas ay maguusap muna ang Senado at Kamara kasama si Finance Secretary Ralph Recto bago muling isalang sa pagdinig ang pagamyenda sa RTL.

Facebook Comments