4 sa 8 presong naka-puga sa selda sa San Jose Del Monte City Police Station, patuloy na tinutugis

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng pulisya sa apat sa walong Person Under Police Custody na tumakas sa kanilang selda kahapon ng madaling araw sa San Jose Del Monte City Police Station sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Edilmar Alviar, hepe ng San Jose Del Monte Police Station sa Kampo Krame, ang mga preso ay pawang may mga kinakaharap na kasong paglabag sa iligal na droga.

Nabatid na muling naibaik sa kulungan ang apat na preso mula umaga ng Linggo hanggang kagabi matapos na magsibalik sila sa kani-kanilang mga pamilya ayon kay Alviar.


Inalerto narin ng San Jose del Monte City Police ang mga istasyon ng pulisya sa karatig bayan sa lalawigan para sa pagsasagawa ng dragnet operations upang agarang madakip ang 4 pang tumakas na preso.

Matatandaang nakapuga ang mga ito kahapon ng madaling araw matapos lagariin ang rehas na bakal ng kanilang banyo.

Facebook Comments