Manila, Philippines – Dumipensa ang mga mambabatas na miyembro ng Commission on Appointments sa kanilang naging desisyon kasunod ng pagkaka-reject kay dating Environment Sec. Gina Lopez.
Ayon kay A-Teacher Rep. Julieta Cortuna, isa sa mga bumoto ng ‘no’ sa appointment ni Lopez hanga siya sa determinasyon ni Lopez pero hindi ito sapat para magampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin.
Itinanggi rin ni Cortuna ang sinabi ni Lopez na ang business interest ang nag-udyok sa ilang miyembro ng CA para ibasura ang appointment nito.
Samantala, ayon naman kay Manila Rep. Sandy Ocampo, simula pa lang ay saludo na ito sa dating Environment Secretary.
Naniniwala rin si Ocampo na kung binigyan lang sana ng pagkakataon si Lopez sa posisyon nito ay malaki ang maiimbag nito para sa pagbabagong inaasam ng Pilipinas.
Si Ocampo ang nag-iisang kongresistang miyembro ng CA na bumuto pabor sa appointment ni Lopez.
DZXL558