2016 Bar exam passer na janitor sa COMELEC, inalok mismo ni COMELEC Chairman Andres Bautista na magtrabaho sa Komisyon

85

Manila, Philippines – Inalok mismo ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang 2016 Bar exam passer na si Ramil Comendador na magtrabaho sa Komisyon.

Ayon kay Bautista, kinausap niya si Comendador at sinabing dapat ikonsidera nito ang pwesto sa COMELEC bilang isang Election Officer.

Sinabi pa nito na saludo sya kay Comendador dahil hindi nito isinuko ang kanyang pangarap na maging isang abugado sa kabila nang kanyang katayuan sa buhay.

Si Comendador ay nabatid na nagsilbing janitor sa COMELEC sa loob ng 4 na taon upang may maipambayad sa kanyang matrikula.

Kaugnay nito tinuran naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na isang malaking inspirasyon si Comendador hindi lamang sa mga taga COMELEC maging sa lahat nang may pangarap sa buhay.

DZXL558

Facebook Comments