Mga mambabatas, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong kasamahan na si Rep. Henedina Abad

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kongresista sa pumanaw na kasamahan na si Batanes Rep. Henedina Abad.

Ang mga kasamahan sa Liberal Party na sina Marikina Rep. Miro Quimbo at Ifugao Rep. Teddy Baguilat ay inaalala ang mga huling araw na nakasama nila si Abad.

Sinabi ni Quimbo na nakipaglaban sa karamdaman si Abad na may tapang at integridad.


Dagdag naman ni Baguilat, bago pa man magkasakit ang kongresista ay nagawa pa nitong turuan ang mga kasama sa LP sa mga isyu katulad ng RH Law, anti-political dynasty at FOI Bill.

Naging totoong kaibigan din si Abad sa kanila at iginalang ang kanilang mga desisyon kahit minsan ito ay salungat sa partido.

Hindi naman makakalimutan ni Akbayan Rep. Tom Villarin si Abad na sinamahan sila sa pakikipaglaban sa death penalty bill kahit pa ang kapalit nito ay pagkawala ng kanyang Committee Chairmanship.

Facebook Comments