Samantalahin na umano ng mga mamimili ang mababang presyo ng gulay sa ngayon sa Mangaldan Public Market ayon sa ilang vegetable vendors.
Anila, kung ikukumpara noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, bumaba ngayon Enero ang presyo ng mga gulay.
Sa ngayon ang presyo ng ilang gulay sa pamilihan Gaya ng kamatis ay nASA 140 pesos kada kilo, repolyo at pechay na nasa 50 pesos per kilo, broccoli na nasa 100 pesos per kilo, at sayote na nasa 40 pesos kada kilo.
Ang red bell pepper naman, mula sa makaraang pagsipa sa presyo nito na nasa 600 pesos per kilo ay bumagsak ito sa 250 pesos per kilo na ngayon.
Habang ang carrots naman depende sa laki, ang mga maliliit nito ay naglalaro sa 80-170 per kilo, parehas sa patatas na nasa 80-170 pesos din per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments