Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga mananampalataya na makiisa sa mga pagdiriwang ng simbahan sa Mahal na Araw o Semana Santa.
Ayon kay Archbishop Palma, magandang pagkakataon ito na muling binuksan ang simbahan para sa naturang selebrasyon makalipas ang dalawang taong pagbabawal dahil sa pandemya.
Aniya, bagama’t pagkakataon itong makasama ang pamilya ay mahalaga rin ang pagbubuklod sa pananalangin lalo’t hindi pa tuluyang nawala ang banta ang COVID-19.
Dagdag pa ni Archbishop Palma na ang pagluwag ng quarantine restrictions sa bansa ay tugon sa panalangin ng mga mamamayan na mapahintulutang mabuksan ang simbahan sa mga religious activities.
Samantala, ikinatuwa naman ng arsobispo na muling isasagawa sa Cebu ang mga nakaugaliang tradisyon tuwing Mahal na Araw tulad ng religious processions.