Naalarma na ang Department of Health (DOH), at ang United Nations Population Fund sa pagtaas ng bilang ng mga manganganak na buntis na tinatanggihan sa mga ospital.
Ito ay dahil sa mas binibigyan ng prayoridad sa admission sa mga ospital ang COVID-19 patients.
Bunga nito, maraming mga buntis ang napipilitan na sa bahay na lamang manganak.
Kaugnay nito, umapela ang DOH at UN Population Fund sa kanilang partners sa pribado at pampublikong sektor na tiyakin na mabibigyan ng maayos na serbisyo ang mga buntis, lactating mothers at ang mga kababaihan na biktima ng domestic violence.
Una nang kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) Civil Registry na nitong pandemya ay tumaas ng 30% ang mga kababaihang nabubuntis at 42% dito ang hindi na planong pagbubuntis.