Philippine Embassy, nilinaw na walang Pinoy sa Tonga at Samoa na nasaktan sa pagsabog ng underwater volcano

100

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Wellington na walang Pilipino sa Tonga at Samoa na nadamay sa eruption ng underwater volcano sa Tonga.

Sa kabila nito, nagpapatuloy naman ang pagtunton ng Embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa pamamagitan ng emergency satellite phone.

Sa ngayon kasi ay sira pa rin ang communications system sa Tonga matapos ang malakas na pagsabog ng bulkan sa ilalim ng tubig.


Maging ang internet at international calls sa Tonga ay pahirapan pa rin.

Patuloy naman ang pagbibigay ng update sa Philippine Embassy sa Wellington, New Zealand ng Association of Filipinos in Tonga Inc., sa pamamagitan ng e-mail hinggil sa sitwasyon ng mga Pinoy sa Tonga.

Facebook Comments