Mga manggagawa at estudyante, hinimok na gamitin ang career guide ng DOLE

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kabataan kabilang na ang mga mag-aaral at mga manggagawa na gamitin ang inilunsad nilang online career guide.

Nakapaloob dito ang nga impormasyon sa mga tinatawag na green jobs o mga trabaho na may pinakamagandang oportunidad at mga in-demand.

Ayon sa DOLE, makikita ng mga mag-aaral at mga naghahanap ng trabaho na malaki ang benepisyo ng online career guide.


Makikita ito sa pagpasok sa website na careerinfo.ph na may laman na impormasyon sa 123 career o trabaho mula sa kailangang edukasyon, halaga ng pagsasanay, kailangang kasanayan at iba pa.

Ang nasabing website na naglalayong magbigay benepisyo sa mahigit 2 milyong Pilipino na nasa pangangasiwa ng Bureau of Local Employment ng DOLE.

Hinikayat din ng DOLE ang mga eksperto, human resource managers at iba pang stakeholders na tumulong para sa lalo pang pagpapahusay ng nasabing website.

Facebook Comments