Mga manggagawa, makakatulong ng TESDA sa TVET program ng pamahalaan

Manila, Philippines – Makakatuwang ng Technical Education and Skills Development Authority ang mga employer at manggagawa para sa epektibo at maayos na pagpapatupad ng mga Technical Vocational Education and Training (TVET) programs at sa paghahatid ng serbisyo.

Ito ay matapos lagdaan ni TESDA Director General, Secretary Isidro Lapeña, ang “Implementing Guidelines on the Establishment of Institutional Arrangements with Industry Boards or Industry Associations”.

Layunin nitong kilalanin ang Industry Associations bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga TVET programs.


Ang mga industriya na sakop nito ay kasama sa mga Key Employment Generators tulad ng Construction, Tourism, Agri-business, Wholesale and Retail, Health and Wellness at Automotive/Transport.

Ang mga mapipiling IBs o IAs ay magsisilbi bilang kinatawan ng industriya sa pagplano at pagpapatupad ng mga proyekto, programa at mga aktibidades sa TVET ng TESDA.

Facebook Comments