Mga manggagawa ng Palaspas, handa na para sa Palm Sunday

Nakahilera na sa may Carlos Palanca sa Quiapo, Maynila ang mga dahon ng niyog na gagawing Palaspas para sa Palm Sunday.

Ayon kay Ronnie Santos, isa sa mga gumagawa ng Palaspas, simula bukas hanggang Sabado ay magiging paspasan na ang paggawa nila ng Palaspas.

Paliwanag ni Santos sa halagang bente pesos, may Palaspas na ang mga mananampalataya na kanilang magagamit sa Palm Sunday.


Ayon naman kay Hubert Sahonsia, isa sa mga taga-gawa rin ng Palaspas, maraming simbahan sa Maynila, gaya na ng Quiapo Church ang umorder ng maraming Palaspas.

Kaya naman, maramihan din ang order nilang dahon ng niyog mula sa Quezon Province.

Kada bulto, ang presyuhan ay 700 pesos pero kapag natabas na ang mga dahon ng niyog, nasa 300 pesos hanggang 500 pesos ang bawat bulto.

Ang Palaspas o Palm Sunday ay nanggaling sa pagsalubong kay Hesukristo nang siya ay pumunta sa Jerusalem. Ito ay ginagawa tuwing Linggo para simulan ang Holy Week.

Karaniwang iwinawagayway ng mga Kristiyano ang kanilang mga Palaspas bilang pagpapakita rin ng selebrasyon at bebendisyunan ito ng pari gamit ang Holy Water.

Facebook Comments