Manila, Philippines – Welcome para sa Philippine Fireworks Association (PFA) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order no. 28 na nagre-regulate sa paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device.
Sa interview ng RMN kay PFA President Joven Ong – sinabi nitong nagpapasalamat sila sa pangulo at hindi buong ipinagbawal ang paggamit ng paputok.
Makikita anya sa section 2 ng EO – pinapahintulutan pa rin ang pag manufacture ng pyrotechnic o mga pailaw.
Maliban na lamang sa mga gumagawa ng mga malalakas na uri ng paputok na pangunahing tatamaan ng batas.
Kasabay nito, sinabi ng PFA na handa silang magbigay ng tulong sa mga maapektuhang manggagawa.
Tiniyak din nito na susunod sila kapag tuluyan ng maipatupad ang nasabing batas.
Samantala – nanawagan ang PFA sa Bureau of Customs na i-monitor ang pag-import ng ilegal na paputok na siyang sanhi ng pagtaas ng kaso ng firecracker-related injuries tuwing bagong taon.