Mga manggagawa ng Regent Foods Corporation humingi ng tulong kay Mayor Vico Sotto

Nagpasaklolo na ang mga manggagawa ng Regent Foods Corporation kay Pasig City Mayor Vico Sotto upang tulungang mapalaya ang kanilang mga kasamahang ikinulong ng magsagawa ng kilos protesta noong Sabado.

Ayon kay Tita Cudiamat,Presidente ng Union ng Regent Food Corportion nakiusap sila kay Mayor  Sotto upang tulungan silang mapalabas sa kulungan ang 23 nilang kasamahan na hinuli ng mga pulis sa kasagsagan ng kaguluhan sa isinagawa nilang welga noong Sabado.

Paliwanag ni Cudiamat naging maayos umano ang usapan nila ni Mayor Sotto at nangako itong gagawin ang lahat para matulungan ang kanilang kasamahan na ikinulong ng mga pulis dahil lamang sa kanilang ipinaglalaban.


Giit pa ni Cudiamat na may video umano silang hawak na magpapatunay kung sino ang may kasalanan sa nangyari kilos protesta pero tinitiyak nito na hindi nanggagaling sa kanilang hanay ang kaguluhan.

Inakusahan din ni Cudiamat ang mga tauhan ng Pasig Police na umanoy  ito ang nagpasimula ng kaguluhan.

Pinasinungalingan din ni Cudiamat na walang katotohanan ang napabalitang may Warrant of Arrest na sila at iginiit nito na nangako umano  sa kanila si Mayor Sotto na kakausapin nito ang may-ari ng Regent Foods Corportion  para makabalik na sila sa kanilang trabaho.

Facebook Comments