Nakikita ng Federation of Free Workers (FFW) na patuloy na magdudusa ngayong tao ang mga manggagawa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay FFW President Sonny Matula, kapag lumala ang ekonomiya, madudusa ang mga manggagawa.
Naniniwala sila na mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na araw at linggo.
Dagdag pa ni Matula, kapag walang malaking interventions ang pamahalaan, patuloy na bubulusok ang ekonomiya kapag walang kapasidad na makabangon ang mga negosyo at mga manggagawa.
Hinimok niya ang pamahalaan lalo na ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglunsad ng financial assistance programs para sa mga manggagawa at mga kumpanya.
Binigyang diin ng grupo na mahalaga ang wage subsidy para sa mga small at medium enterprises para maka-survive at magawang mapanatili ang kanilang mga manggagwa.
Sa huling datos ng DOLE, aabot sa 4.5 million workers ang apektado ng flexible work arrangement at temporary closures.