MGA MANGGAGAWA SA BAYAN NG BINALONAN, NAKATANGGAP NG KANILANG PAYOUT MULA SA AICS NG DSWD

Nakatanggap sa isinagawang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga manggagawa sa bayan ng Binalonan.
Ang mga naturang manggagawa na benepisyaryo sa AICS program ay mga LUPON, traffic aid, utility, encoders, VAWC Officers, barangay street keepers, drivers, barangay aids, janitors, RIC, eco aids, BHRAO, at mga barangay clerk mula sa 5th District, Pangasinan.
Malaking tulong ang pamamahagi ng payout na ito sa naturang mga benepisyaryo dahil matataas na rin ang bilihin maging ang ilan pa nilang mga gastusin para sa pang araw-araw.

Ang pagsasagawa ng payout na ito na programa ng DSWD ay sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Congressman Ramon Monching Guico, Jr., Governor Ramon Mon-Mon Guico III, at Mayor Ramon Ronald V. Guico IV. Ginanap ito sa Ramon J. Guico Sr. Sports and Civic Center. |ifmnews
Facebook Comments