Mga manggagawa sa ilalim ng work-from-home arrangement, kasali rin sa A4 category ayon sa Malakanyang

Kabilang din sa A4 priority group ang mga manggagawa na nasa ilalim ng work-from-home arrangement.

Sa ilalim kasi ng A4 prioritization, ang lahat ng mga manggagawa sa pribado o pampublikong sektor at maging informal sector na lumalabas ng bahay para magtrabaho ay kabilang sa grupong ito na kailangan ng mabakunahan.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na pansamantala lamang ang work-from-home arrangement sa ilang pribado at maging sa pampublikong sektor habang may pandemya.


Kaya nga aniya isasali sila sa A4 category ay upang mabakunahan na at para tuluyan nang maging normal ang work arrangement sa hinaharap kasunod nang inaasahang pagkamit sa population protection.

Facebook Comments