May aasahang tulong pinansyal mula sa pamahalaan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na nasiraan ng pananim at kabuhayan dahil sa El Niño.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng Labor Day sa Palasyo ng Malacañang kaninang umaga.
Ayon sa pangulo, ipamamahagi ng pamahalaan ang financial assistance sa mga susunod na araw.
Prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga nasa bahaging Mindanao.
Ang tulong pinansyal ay bukod aniya sa mga kasalukuyang programa na ibinibigay ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development at ng Department of Labor and Employment sa mga apektado ng matinding tag-tuyot.
Samantala, hindi naman nabanggit ng pangulo, kung magkano ang aasahang halaga ng financial assistance.